![]() |
"Ang hirap ng nagiisa at nilalayuan kasalanan kase ito ng pagiging mainisin ko" |
Mga tao talaga, Oo daming kemirut-surut sa buhay. sarili na lang kinaiinisan pa. Ala eh!, ganun talaga siguro.
Pero sa totoo lang, madami rin sa ugali ko ang kinabubuwisitan ko. Tulad nalang ng sobra kong daling matukso. Lahat ng magustuhan ko, kahit hindi ko kailangan at kahit wala akong perang nakalaan doon, asahan mong bibilin ko. Gaya ng pocketbook,wala naman sa budget pero binili ko, saka yung blush-on na shinning,shimmering, splendid binili ko kahit hindi ko gagamitin, cute kasi eh! kaya ang puso't wallet ko naiwang windang at tigang.
Ere pa'y isa. Madali mong malaman pag malapit na akong (ehem! pasensya sa kabalahuraa, pero iyon talaga ang tawag doon) dyandyararan........ Reglahin. Bakit kamo? if only looks could kill kasi ang drama ko sa buhay kapag panahon na iyon, yun bang tipong, lamunin ko na ang lupa , wag mo na akong kausapin. Hindi ko alam pero iritang iriat ako sa ugali kong iyan. Tingin ko kase maraming naaasar sa akin kapag ganyan ang arte ko. Hindi maganda.
At eto pa ang isa! last na talaga ito. Ang pinaka karimarimarim sa ugali ko ay woooszszhoong! Madali kong magpatawad may pagkakataong kahit gano kalaki yaong pagkakasala mo sa akin humingi kalang ng sorry at wag magpakita sa akin ng 10 minutes, ok na ko noon! Napatwad na kita, totoo yan at napatunayan ko na iyan ng maraming bese. Ewan ko ba hindi ko mapanindigan ang galit ko, na sobrang kinaiinisan ko. Pakiramdam ko kasi nawawalan na ako ng moral. sa mga panahong nagpatawad ako, lalo ko lang nararamdaman na kahit anong oras ay maloloko ako.
**********WAKAS**********
No comments:
Post a Comment