MGA UGALI NAMING KINAIINISAN

Ang tao ay may minanang hindi kasakadalan kasama na ang mga ugaling hindi maganda, kung minsan hindi agad ito nakikita ng sarili mong mga mata, kailangan pa ng iyong kapwa upang ito ay malantad sa iyong kamalayan. Nasa iyo na kung ito ba ay iyong ipagwawalang bahala at patuloy na isasagawa, o babaguhin para sa kapakanan ng iyong kapwa, maging ng iyong sarili at sa ikakatahimik ng iyong kapaligiran.



Saturday, August 21, 2010

Masungit at Mataray ni: MAE LUZ EVANGELINE GLORIOSO

"Ang hirap namang mag-isa at walang kaibigan kasalanan kase ito ng ugali kong mainisin"
                                Ang pagiging masungit ay depende sa tao kung siya ay karapat dapat sungitan o karapat dapat pagpakitaan ng kabaitan. Sapagkat ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian at ugali. Sila ay sinusungitan ko kapag ang mga taong lumalapit sa akin ay walang magawa at walang katuturan, Ibig kong sabihin ung tipong sila ay nagpapapansin lamang. 

                              Dagdag pa kapag ako ay iniinis o kinukulit sa kung ano-anog bagay lang na hindi mahalaga. Isa pang dahilang kung bakit ako nagpapakita ng katarayan ay kapag ang mga taong kumakausap sa aking ay tipong parang close na close kami in each other, kainis! Gayundin may mga taong lumalapit sa akin pero hindi ko naman sila kilala, kaya ayon natatarayan ko tuloy sila.

                             Nakakairita kase ang ganoong mga pag uugali na lalapit bigla ngunit hindi mo naman sila kilala. Asar! Sa madaling salita ang katarayan ko ay nakabase sa kung papaano ba nila ako pakitutunguhan.

No comments:

Post a Comment