MGA UGALI NAMING KINAIINISAN

Ang tao ay may minanang hindi kasakadalan kasama na ang mga ugaling hindi maganda, kung minsan hindi agad ito nakikita ng sarili mong mga mata, kailangan pa ng iyong kapwa upang ito ay malantad sa iyong kamalayan. Nasa iyo na kung ito ba ay iyong ipagwawalang bahala at patuloy na isasagawa, o babaguhin para sa kapakanan ng iyong kapwa, maging ng iyong sarili at sa ikakatahimik ng iyong kapaligiran.



Thursday, August 19, 2010

Selosa Ako Weh, Pake mo?!!!!!!! ni:ANDREA MARIE SANTOS

"Ang hirap ng nasasaktan kasalanan kase ito ng ugali kong pagkaselosa"
                         

                                Hay naku!! Bakit nga kaya ako selosa? nakakainis talaga! pano naman kasi nagseselos ako kahit hindi na karapat dapat. Nakakainis  noh?!  Eto may ishe-share ako sa inyo. Alam nyo ba madalas kaming nag-aaway ng boyfriend ko dahil nagseselos akosa ex niya. Natural hindi nyo alam diba? haha! Buwisit kase weh, masiyadong epal. Minsan maging mga kaibigan ko ay pinagseselosan ko basta malaman ko lang na close sila ng boyfriend ko, at dahil doon ang dami kong friends na nakakaaway, ng sa lintik na selos na ito. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pasensiya na ugali ko na kase ito weh!

                              Isa pa, hindi lang dahil sa jowa ko kaya ako nagseselos dahil minsan maging sa mga magulang ko, dahil sa mga spamangkin ko. minsan nakakaisip na ako ng hindi magagandang bagay dahil  sa ugali kong pagka selosa. Naisip ko na may 'Favoritism" ang nanay ko. Napaka selosa ko talaga noh! gusto ko sa akin lang ang lahat ng atensiyon, makasarili siguro ako pero talagan ganun lang ako. Siguro naiinis narin kayo sa ugali ko noh! Pwes pareho tayo! Naisip ko tuloy pano ko maaalis yung ugali ko na iyon.

No comments:

Post a Comment