![]() |
"Ang hirap naman ng mapunta sa alanganin kase kasalanan ito ng ugali kong mahiyain" |
Grabe!!!! iyan ang lagi kong bukang bibig kapag matapos mangyari ang isang bagay dahil sa kagagawan ng isang bahagi ng aking pagkatao na mahirap maalis. Alam mo ba kung bikit "grabe" ang lagi kong naibubulalas? Alam mo rin ba kung anong dahila? Pakisuyo sundan mo ang maikling karanasan ng aking buhay na nag karoong ng epekto dahil sa pagiging mahiyain ko.
Nakaranas kanaba na hindi kumain! siyempre gutom ang aabutin mo. Alam mo ba na dahil sa ugali kong mahiyain eh madalas akong magutom? kakatwa ano!? Ganto kasi ang nangyari, umalis ako ng bahay at medyo madilim na, bumyahe ako papunta kela tita, hindi pa ko kumakain wah! pagdating ko sa bahay ng tita ko sakto na kumakain sila. Siyempre aalukin akong kumain, at sakto gutom na gutom na rin ako. Pero ang nangyari, sumagot ako ng "Oo" matapos akong tanungin ng: "Kumain ka naba Kennedy" kaya ano nangyari? ayun nagkagutom gutom ako! kaya napabulalas ako ng "Grabe!!!!."
Nakaramdam ka narin ba ng matinding pagkapagod at antok dahil sa pagawa ng project? Ngunit hindi naman ito sa iyo, at masakit pa roon eh yaong iyo, hindi mo pa nagagawa, dahil ang inuuna mo eh! yaong sa iba. Paano nangyari iyon? "kuya ken igawa mo naman ako ng project sige na pleassss!.." ang lambing pa ng pagkakasabe, ganoon nanaman, katulad ng inaasahan hindi nanaman ako nakatanggi dahil sa hiya, hay!! kaya inabot ako ng sakit ng ulo. Kay Grabe nalang ang nabanggit ko pambihira!!
Ito ang pinakamatindi naalala ko pa hanggang ngayon. Nagpunta ako kasama ng isang labis na minamahal sa isang dakong sambahan upang punan ang pangagailangang esperitwal, Bago magsimula at matapos ang pulong ilang beses niya kong tinanong kung ako raw ba eh may pamasahe pa! "Grabe!" umandar nanaman ang pagiging mahiyain ko kaya ang sagot ko uli ay walang katapusang "Oo" pero sa totoo lang wala akong pamasahe. Wahahahahaha! pambihira ano kaya yung maaring mangyari? "Tama" naglakad ako pauwi, ang sakit nga ng paa ko, kasi kasalanan lahat ng pagiging mahiyain ko kaya ako dumaranas ng ganitong kakatwang bagay...

Iyan lamang ang ilan sa maikling karanasan na hindi ko masabi kung katangahan ba o isang kahinaan nasa iyo na ang pagpapasaya! May iniwang isang mahalagang mensahe sa akin ang isa kong guro, "Lahat ng sobra ay nakakasama" Kung pag-iisipan nating mabuti ang katangian kong ito ay hindi nakakatulong isang malaking pahirap at problem. Grabe pano ko kaya ito maaalis....
No comments:
Post a Comment