MGA UGALI NAMING KINAIINISAN

Ang tao ay may minanang hindi kasakadalan kasama na ang mga ugaling hindi maganda, kung minsan hindi agad ito nakikita ng sarili mong mga mata, kailangan pa ng iyong kapwa upang ito ay malantad sa iyong kamalayan. Nasa iyo na kung ito ba ay iyong ipagwawalang bahala at patuloy na isasagawa, o babaguhin para sa kapakanan ng iyong kapwa, maging ng iyong sarili at sa ikakatahimik ng iyong kapaligiran.



Friday, August 20, 2010

Grabe Burara daw si Nene ni: ANGELA DAOS

"Ang hirap naman ng iniiwasan at hindi pagkatiwalaan kase kasalanan ito ng ugali kong burara."
                               Tayong mga tao ay may ibat-ibang ugali. Ang mga ugaling ito ay ang mismong kapwa naitin ang nakakapansin. Mayroon tayong ugaling nagugustuhan ng iba at mayroon naman hindi. Meron din na  kinaiinisan nilang ugali sa atin. At ako bilang indibidwa ay maroon ding ugaling nagugustuhan. Siyempre hindi naman mawawala ang negatibong ugali ko. At ito nga ay ang pagiging burara.

                                Ang aking pagkaburara ay ang pagpapabaya sa gamit personal man o hindi, sa akin man o sa kapwa, maging ito man ay pagpapabay sa sarili. Maraming dahilan kung bakit kinaiinisan ko ang ugali kong ito. Una sa lahat maraming taong umiiwas sa aking dahil sa ugali kong ito. Hindi nila ako pinababayaan sa mga bagay na mayroon sila. Ang nakakainis pa, ikinakalat pa nila na ganoon ang aking ugali. Kaya siguro nawawalan ako ng mga kaibigan. 

                              Pangalawang dahilan, pagiging burara ko naiwawala ko ang mga bagay na kailangan ko para makapasa. Halimbawa kailangan naming ipasa ang kumpletong test paper namin.Sa pagkaburara ko, naiwala ko ito, kaya kailangana pang kumopya ako ng ibang testpaper upang isalin sa ibang papel. Dagdag pa naiwala ko rin ang wallet ko kay ayon nawalan ako ng pamasahi at ng baon.

                             Dahil sa mga pangit na naging bunga ng pagkaburara, gumawa nalamang ako ng mga paraan para maiwasan ko ang pagiging burara. Ito ang mga naging aksyon ko, lahat ng mga personal kong mga gamit, ay inilagay ko sa isang kahon upang ito ay hindi mawala, kaya kapag ito ay hahanapin ko na ay madali ko na itong makita. Sa ganitong paraan hindi na ako mamoblema at pagdaanan uli ang pangit na bunga ng pagiging burara. Isa pang paraan upang maiwasan ang pagiging burara ay kapag kinuha ko ang isang gamit doon ko mismo ito ibabalik, sa ganitong paraan madali ko na itong makita at hindi ako makawala ng isang gamit.

No comments:

Post a Comment