![]() |
"Ang hirap ng nag iisa kasalanan kase ito ng pagiging matampuhin ko" |
Lahat tayo ay may kanya kanyang pag uugali na ayaw natin sa ating sarili. Bakit nga ba may pag-uugali tayong ayaw natin ngunit ito ay ating patuloy na ginagawa? Ano nga ba ang paraan upang ito'y ating maiwasan? ito ay ating matutunhayan sa aking maikling paglalahad na aking gagawin.
Ikaw ano nga ba ang kinaiinisan mong pangit na ugali sa iyong sarili? Ako ang karaniwan kong paguugali sa aking sarili ay yung pagiging matampuhin ko. Konting bagay lamang ay akin ng ikina tatamp. Isang halimbawa nito nung ako ay nasa Sekondarya. pa lamang kapag ako ay nagpapasama sa aking mga kaibigan na pumunta sa aming canteen para bumili, ay hindi nila ako sasamahan, agad agad na akong magtatampo sa kanila. Mga ilang oras ko silang hindi kikibuin ngunit hindi matatapos ang mag hapon na hindi ko sila kakausapin. Ganong ganong ang aking ugali.
Kaya minsan aking napag-iisipan, pano kung isang araw magsawa na sila sa akin, ang mga kaibigan ko, kung baga mawalan na sila ng pasensya sa aking ugali eh di iiwasan na nila ako! Kaya humanap ako ng paraan upang maiwasan ko ang aking pagiging matampuhin. Hindi naman ako nabigo dahil nakahanap ako ng solusyon, para matanggal ko ang aking pangit na ugali na ito. Pinahaba ko ang aking pasensya at ito ay lalo ko pang pinalawak.
Kaya ngayon ahm! hindi na ako matampuhin konte nalang hehehe. kahit hindi na ako samahan ng aking mga kaibigan ay ayos na sa akin.
No comments:
Post a Comment