MGA UGALI NAMING KINAIINISAN

Ang tao ay may minanang hindi kasakadalan kasama na ang mga ugaling hindi maganda, kung minsan hindi agad ito nakikita ng sarili mong mga mata, kailangan pa ng iyong kapwa upang ito ay malantad sa iyong kamalayan. Nasa iyo na kung ito ba ay iyong ipagwawalang bahala at patuloy na isasagawa, o babaguhin para sa kapakanan ng iyong kapwa, maging ng iyong sarili at sa ikakatahimik ng iyong kapaligiran.



Saturday, August 21, 2010

ANG KAPANGITAN KO (Tula, Abueg Kennedy)

"Ako'y nalilito kung siya ba'y kaibigan"




Akoy may kaibigan ugali ang pangalan,
Kakambal ko na ngaraw kung siya'y maturingan,
Lumilitaw siya kapag hindi  kailangan,
Nakikialam siya ng walang pakundangan.

Akoy nalilito kung siya ba'y kaibigan,
Dahil sa kanya mga kakilala koy lumisan,
Dahil ang buhay ko'y kanyang inimpluwensyahan,
Kaya ako ngayon nawalan ng kaibigan.

Ugali kong ito ay may kapangyarihan,
Kahit anong tanggi kanya akong nautusan,
Kahit na ito'y labag sa aking kalooban,
Kaya ako ngayong ay naging luhaan.

No comments:

Post a Comment