MGA UGALI NAMING KINAIINISAN

Ang tao ay may minanang hindi kasakadalan kasama na ang mga ugaling hindi maganda, kung minsan hindi agad ito nakikita ng sarili mong mga mata, kailangan pa ng iyong kapwa upang ito ay malantad sa iyong kamalayan. Nasa iyo na kung ito ba ay iyong ipagwawalang bahala at patuloy na isasagawa, o babaguhin para sa kapakanan ng iyong kapwa, maging ng iyong sarili at sa ikakatahimik ng iyong kapaligiran.



Saturday, August 21, 2010

Ayan Mahiyain Kasi! ni: KENNEDY B. ABUEG

"Ang hirap naman ng mapunta sa alanganin kase kasalanan ito ng ugali kong mahiyain"
                                Grabe!!!! iyan ang lagi kong bukang bibig kapag matapos mangyari ang isang bagay dahil sa kagagawan ng isang bahagi ng aking pagkatao na mahirap maalis. Alam mo ba kung bikit "grabe" ang lagi kong naibubulalas? Alam mo rin ba kung anong dahila? Pakisuyo sundan mo ang maikling karanasan ng aking buhay na nag karoong ng epekto dahil sa pagiging mahiyain ko. 

                                Nakaranas kanaba na hindi kumain! siyempre gutom ang aabutin mo. Alam mo ba na dahil sa ugali kong mahiyain eh madalas akong magutom? kakatwa ano!? Ganto kasi ang nangyari, umalis ako ng bahay at medyo madilim na, bumyahe ako papunta kela tita, hindi pa ko kumakain wah! pagdating ko sa bahay ng tita ko sakto na kumakain sila. Siyempre aalukin akong kumain, at sakto gutom na gutom na rin ako. Pero ang nangyari, sumagot ako ng "Oo" matapos akong tanungin ng: "Kumain ka naba Kennedy" kaya ano nangyari? ayun nagkagutom gutom ako! kaya napabulalas ako ng "Grabe!!!!."

                              Nakaramdam ka narin ba ng matinding pagkapagod at antok dahil sa pagawa ng project? Ngunit hindi naman ito sa iyo, at masakit pa roon eh yaong iyo, hindi mo pa nagagawa, dahil ang inuuna mo  eh! yaong sa iba. Paano nangyari iyon? "kuya ken igawa mo naman ako ng project sige na pleassss!.." ang lambing pa ng pagkakasabe, ganoon nanaman, katulad ng inaasahan  hindi nanaman ako nakatanggi dahil sa hiya, hay!! kaya inabot ako ng sakit ng ulo. Kay Grabe nalang ang nabanggit ko pambihira!!


                            Ito ang pinakamatindi naalala ko pa hanggang ngayon. Nagpunta ako kasama ng isang labis na minamahal sa isang dakong sambahan upang punan ang pangagailangang esperitwal, Bago magsimula at matapos ang pulong ilang beses niya kong tinanong kung ako raw ba eh may pamasahe pa! "Grabe!" umandar nanaman ang pagiging mahiyain ko kaya ang sagot ko uli ay walang katapusang "Oo" pero sa totoo lang wala akong pamasahe. Wahahahahaha! pambihira ano kaya yung maaring mangyari? "Tama" naglakad ako pauwi, ang sakit nga ng paa ko, kasi kasalanan lahat ng pagiging mahiyain ko kaya ako dumaranas ng ganitong kakatwang bagay... 

                              Iyan lamang ang ilan sa maikling karanasan na hindi ko masabi kung katangahan ba o isang kahinaan nasa iyo na ang pagpapasaya! May iniwang isang mahalagang mensahe sa akin ang isa kong guro, "Lahat ng sobra ay nakakasama" Kung pag-iisipan nating mabuti ang katangian kong ito ay hindi nakakatulong isang malaking pahirap at problem. Grabe pano ko kaya ito maaalis....

Masungit at Mataray ni: MAE LUZ EVANGELINE GLORIOSO

"Ang hirap namang mag-isa at walang kaibigan kasalanan kase ito ng ugali kong mainisin"
                                Ang pagiging masungit ay depende sa tao kung siya ay karapat dapat sungitan o karapat dapat pagpakitaan ng kabaitan. Sapagkat ang bawat tao ay may kanya kanyang katangian at ugali. Sila ay sinusungitan ko kapag ang mga taong lumalapit sa akin ay walang magawa at walang katuturan, Ibig kong sabihin ung tipong sila ay nagpapapansin lamang. 

                              Dagdag pa kapag ako ay iniinis o kinukulit sa kung ano-anog bagay lang na hindi mahalaga. Isa pang dahilang kung bakit ako nagpapakita ng katarayan ay kapag ang mga taong kumakausap sa aking ay tipong parang close na close kami in each other, kainis! Gayundin may mga taong lumalapit sa akin pero hindi ko naman sila kilala, kaya ayon natatarayan ko tuloy sila.

                             Nakakairita kase ang ganoong mga pag uugali na lalapit bigla ngunit hindi mo naman sila kilala. Asar! Sa madaling salita ang katarayan ko ay nakabase sa kung papaano ba nila ako pakitutunguhan.

ANG KAPANGITAN KO (Tula, Abueg Kennedy)

"Ako'y nalilito kung siya ba'y kaibigan"




Akoy may kaibigan ugali ang pangalan,
Kakambal ko na ngaraw kung siya'y maturingan,
Lumilitaw siya kapag hindi  kailangan,
Nakikialam siya ng walang pakundangan.

Akoy nalilito kung siya ba'y kaibigan,
Dahil sa kanya mga kakilala koy lumisan,
Dahil ang buhay ko'y kanyang inimpluwensyahan,
Kaya ako ngayon nawalan ng kaibigan.

Ugali kong ito ay may kapangyarihan,
Kahit anong tanggi kanya akong nautusan,
Kahit na ito'y labag sa aking kalooban,
Kaya ako ngayong ay naging luhaan.

Friday, August 20, 2010

Grabe Burara daw si Nene ni: ANGELA DAOS

"Ang hirap naman ng iniiwasan at hindi pagkatiwalaan kase kasalanan ito ng ugali kong burara."
                               Tayong mga tao ay may ibat-ibang ugali. Ang mga ugaling ito ay ang mismong kapwa naitin ang nakakapansin. Mayroon tayong ugaling nagugustuhan ng iba at mayroon naman hindi. Meron din na  kinaiinisan nilang ugali sa atin. At ako bilang indibidwa ay maroon ding ugaling nagugustuhan. Siyempre hindi naman mawawala ang negatibong ugali ko. At ito nga ay ang pagiging burara.

                                Ang aking pagkaburara ay ang pagpapabaya sa gamit personal man o hindi, sa akin man o sa kapwa, maging ito man ay pagpapabay sa sarili. Maraming dahilan kung bakit kinaiinisan ko ang ugali kong ito. Una sa lahat maraming taong umiiwas sa aking dahil sa ugali kong ito. Hindi nila ako pinababayaan sa mga bagay na mayroon sila. Ang nakakainis pa, ikinakalat pa nila na ganoon ang aking ugali. Kaya siguro nawawalan ako ng mga kaibigan. 

                              Pangalawang dahilan, pagiging burara ko naiwawala ko ang mga bagay na kailangan ko para makapasa. Halimbawa kailangan naming ipasa ang kumpletong test paper namin.Sa pagkaburara ko, naiwala ko ito, kaya kailangana pang kumopya ako ng ibang testpaper upang isalin sa ibang papel. Dagdag pa naiwala ko rin ang wallet ko kay ayon nawalan ako ng pamasahi at ng baon.

                             Dahil sa mga pangit na naging bunga ng pagkaburara, gumawa nalamang ako ng mga paraan para maiwasan ko ang pagiging burara. Ito ang mga naging aksyon ko, lahat ng mga personal kong mga gamit, ay inilagay ko sa isang kahon upang ito ay hindi mawala, kaya kapag ito ay hahanapin ko na ay madali ko na itong makita. Sa ganitong paraan hindi na ako mamoblema at pagdaanan uli ang pangit na bunga ng pagiging burara. Isa pang paraan upang maiwasan ang pagiging burara ay kapag kinuha ko ang isang gamit doon ko mismo ito ibabalik, sa ganitong paraan madali ko na itong makita at hindi ako makawala ng isang gamit.

Thursday, August 19, 2010

Akoy Matampuhin ni: ROSELYN OPRACIO

"Ang hirap ng nag iisa kasalanan kase ito ng pagiging matampuhin ko"
                                 

                 Lahat tayo ay may kanya kanyang pag uugali na ayaw natin sa ating sarili. Bakit nga ba may pag-uugali tayong ayaw natin ngunit ito ay ating patuloy na ginagawa? Ano nga ba ang paraan upang ito'y ating maiwasan? ito ay ating matutunhayan sa aking maikling paglalahad na aking gagawin.

                                 Ikaw ano nga ba ang kinaiinisan mong pangit na ugali sa iyong sarili? Ako ang karaniwan kong paguugali sa aking sarili ay yung pagiging matampuhin ko. Konting bagay lamang ay akin ng ikina tatamp. Isang halimbawa nito nung ako ay nasa Sekondarya. pa lamang kapag ako ay nagpapasama sa aking mga kaibigan na pumunta sa aming canteen para bumili, ay hindi nila ako sasamahan, agad agad na akong magtatampo sa kanila. Mga ilang oras ko silang hindi kikibuin ngunit hindi matatapos ang mag hapon na hindi ko sila kakausapin. Ganong ganong ang aking ugali.

                                Kaya minsan aking napag-iisipan, pano kung isang araw magsawa na sila sa akin, ang mga kaibigan ko, kung baga mawalan na sila ng pasensya sa aking ugali eh di iiwasan na nila ako! Kaya humanap ako ng paraan upang maiwasan ko ang aking pagiging matampuhin. Hindi naman ako nabigo dahil nakahanap ako ng solusyon, para matanggal ko ang aking pangit na ugali na ito. Pinahaba ko ang aking pasensya at ito ay lalo ko pang pinalawak.

                                 Kaya ngayon ahm! hindi na ako matampuhin konte nalang hehehe. kahit hindi na ako samahan ng aking mga kaibigan ay ayos na sa akin.

Yo Pards! Mag-asawa pala sina ka Ynez at ka Azar?! ni: ILEEN LINTAG

"Ang hirap ng nagiisa at nilalayuan kasalanan kase ito ng pagiging mainisin ko"
                               Mga tao talaga, Oo  daming kemirut-surut sa buhay. sarili na lang kinaiinisan pa. Ala eh!, ganun talaga siguro.
                           
                             Pero sa totoo lang, madami rin sa ugali ko ang kinabubuwisitan ko. Tulad nalang ng sobra kong daling matukso. Lahat ng magustuhan ko, kahit hindi ko kailangan at kahit wala akong perang nakalaan doon, asahan mong bibilin ko. Gaya ng pocketbook,wala naman sa budget pero binili ko, saka yung blush-on na shinning,shimmering, splendid binili ko kahit hindi ko gagamitin, cute kasi eh! kaya ang puso't wallet ko naiwang windang at tigang.

                             Ere pa'y isa. Madali mong malaman pag malapit na akong (ehem! pasensya sa kabalahuraa, pero iyon talaga ang tawag doon) dyandyararan........ Reglahin. Bakit kamo? if only looks could kill kasi ang drama ko sa buhay kapag panahon na iyon, yun bang tipong, lamunin ko na ang lupa ,  wag mo na akong kausapin. Hindi ko alam pero iritang iriat ako sa ugali kong iyan. Tingin ko kase maraming naaasar sa akin kapag ganyan ang arte ko. Hindi maganda.

                             At eto pa ang isa! last na talaga ito. Ang pinaka karimarimarim sa ugali ko ay woooszszhoong! Madali kong magpatawad may pagkakataong kahit gano kalaki yaong pagkakasala mo sa akin humingi kalang ng sorry at wag magpakita sa akin ng 10 minutes, ok na ko noon! Napatwad na kita, totoo yan at napatunayan ko na iyan ng maraming bese. Ewan ko ba hindi ko mapanindigan ang galit ko, na sobrang kinaiinisan ko. Pakiramdam ko kasi nawawalan na ako ng moral. sa mga panahong nagpatawad ako,  lalo ko lang nararamdaman na kahit anong oras ay maloloko ako.


                                                                   **********WAKAS**********

Selosa Ako Weh, Pake mo?!!!!!!! ni:ANDREA MARIE SANTOS

"Ang hirap ng nasasaktan kasalanan kase ito ng ugali kong pagkaselosa"
                         

                                Hay naku!! Bakit nga kaya ako selosa? nakakainis talaga! pano naman kasi nagseselos ako kahit hindi na karapat dapat. Nakakainis  noh?!  Eto may ishe-share ako sa inyo. Alam nyo ba madalas kaming nag-aaway ng boyfriend ko dahil nagseselos akosa ex niya. Natural hindi nyo alam diba? haha! Buwisit kase weh, masiyadong epal. Minsan maging mga kaibigan ko ay pinagseselosan ko basta malaman ko lang na close sila ng boyfriend ko, at dahil doon ang dami kong friends na nakakaaway, ng sa lintik na selos na ito. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanila, pasensiya na ugali ko na kase ito weh!

                              Isa pa, hindi lang dahil sa jowa ko kaya ako nagseselos dahil minsan maging sa mga magulang ko, dahil sa mga spamangkin ko. minsan nakakaisip na ako ng hindi magagandang bagay dahil  sa ugali kong pagka selosa. Naisip ko na may 'Favoritism" ang nanay ko. Napaka selosa ko talaga noh! gusto ko sa akin lang ang lahat ng atensiyon, makasarili siguro ako pero talagan ganun lang ako. Siguro naiinis narin kayo sa ugali ko noh! Pwes pareho tayo! Naisip ko tuloy pano ko maaalis yung ugali ko na iyon.